The Most Trusted Name in DNA Testing

mobile     location:
English
DNA Testing Philippines,dna testing

  1. Libreng Kit para sa Pagsusuri ng DNA sa Pagka-ama para sa Kapayapaan ng Isip
  2. DNA test habang buntis
  3. Pagsusuri ng DNA sa Pagka-ama para sa Legal na layunin
  4. Pagsusuri ng DNA para sa Imigrasyon
  5. Pagsusuri ng DNA sa Magkapatid






  • 100% Wastong Pagsusuri ng DNA Lahat ng DNA ay Sinusuri ng Dalawang Beses
    Alamin Pa
  • Paliwanag ng proseso ng pagsusuri sa pagka-ama
    Alamin Pa


  • ABO Blood Types can be used to calculate paternity?
    Alamin Pa
  • Eye colour can be used to determine paternity?
    Alamin Pa
  • Consent is require to test a person's DNA sample?
    Alamin Pa
  • DNA can be used to help solve crimes?
    Alamin Pa

Akreditasyon ng Laboratoryo

Ang DNA Diagnostics Center ay nagbibigay sa mga kliyente nito ng pinaka-maaasahan at pinakamataas na kalidad ng serbisyo sa pagsusuri ng DNA. Ang sumusunod ay isang listahan ng mga akreditasyon at sertipikasyon na nakamit ng kaakibat nitong laboratoryo, ang DDC.

ISO/IEC 17025 Certification
Ang ISO na sertipikasyon ang nagrerepresenta ng pinakamataas na antas ng akreditasyon sa Britain. Sertipikasyon ayon sa pamantayan ng ISO/IEC 17025 ay nagbibigay kasiguraduhan sa mga kliyente ng mahusay na siyentipikong pagsusuri na nakatugon sa mahigpit na mga pamantayang internasyonal. Nakuha ng DDC ang ISO sertipikasyon nito sa pamamagitan ng ACLASS Accreditation Services, na isang ganap na miyembro ng ILAC

AABB
Ang akreditasyong  programa ng AABB sa Parentage Testing ay ang pinaka-malawakang tinatanggap na pamantayan para sa mga laboratoryong gumagawa ng pagsusuri ng DNA sa pagka-ama. Ang AABB na akreditasyon ay madalas na kailangan sa buong mundo para sa pagsusuri ng DNA na nasasangkot sa imigrasyon, suporta sa bata, at iba pang legal na mga aplikasyon. Ang akreditasyong programa ng AABB ay nagtatatag at nagtataguyod ng pinakamataas na pamantayan ng kalidad ng pagsusuri at pag-aalaga sa pasyente sa lahat ng aspeto ng pagsusuri sa magulang. Ang DDC ay nagsimulang makatanggap ng akreditasyon mula sa AABB noong 1996 at nakakamit ng perpektong, zero na kakulangan na rating  sa nakaraang tatlong magkakasunod na inspeksyon mula sa organisasyon.

ASCLD/LAB- International
Ang American Society of Crime Laboratory Directors/Laboratory Accreditation Board (ASCLD/LAB) ang may pinakamahigpit na programa ng akreditasyon para sa mga forensic DNA na laboratoryo. Ang Internasyonal na akreditasyon ay iginawad sa isang grupo ng mga piling mga laboratoryo na tumutugon sa mga internasyonal na pamantayan para sa pagsusuri ng forensic DNA. Ang DDC ay kasalukuyang nag-iisang pribadong laboratoryo ng DNA na nakamit itong prestihiyosong akreditasyon.

College of American Pathologists (CAP)
Ang layunin ng CAP Laboratory Accreditation Program ay “upang mapabuti ang kaligtasan ng pasyente sa pamamagitan ng pagsulong ng kalidad ng patolohiya at serbisyo ng laboratoryo sa pamamagitan ng edukasyon, standard setting, at tiyakin na matugunan o lumampas sa regulasyon na kinakailangan ang mga laboratoryo”. Ang laboratoryo ng DDC ay nakakamit ng isa pang perpektong rating sa kanyang pinakabagong CAP inspeksyon, na siniyasat ang pangkalahatang pamamaraan sa laboratoryo at kahusayan sa pagbibigay ng molekular na pandiyagnostikong serbisyo.

New York State Department of Health (NYSDOH)
Ang sertipikasyon ng NYSDOH ay nagpapahintulot sa mga laboratoryo para magsagawa ng pagsusuri ng DNA sa mga kasong nanggagaling sa New York. Tulad ng ilan sa mga pinakamahigpit na pamantayan para sa mga pagsusuri ng laboratoryo, ang pamantayan ng NYSDOH ay nangangailangan ng mahigpit na ispeksyon sa buong serbisyo ng pagsusuri, kabilang ang mga pamamaraan ng chain of custody at mg sanggunian ng pasyente. Ang DDC ay isa sa mga ilang AABB-accredited na laboratoryo na ring ariin ang prestihiyosong sertipikasyon ng NYSDOH, sa pagkamit ng isang perpektong rating nito sa nakaraang tatlong inspeksyon.

Clinical Laboratory Improvement Amendments (CLIA)

Ang CLIA akreditasyon, na inisyu ng US Department of Health and Human Services, ay ang nagsisiguro na ang mga resulta ng laboratoryo ay nasa oras, wasto, at maaasahan. Ang DDC ay accredited ng CLIA ng higit sa 8 taon.

 

Explanasyon ng Pagka-ama  |   Mga Serbisyo sa Pagsusuri ng DNA  |   Katanungan  |   Tungkol sa Amin  |   Kontakin Kami  |   Home